Ready to fall in love again.
About Ask Archives RSS Search


Mariz | Filipina | Pampanga | Hindi ako seksi, mataba in short | Disiotso | Maraming beses ng naiwan, hindi takot magmahal pero takot na muling masaktan | Ikatlo at huling hahawak ng blog na to |
Personal posts NAMIN
Typos
Thoughts
Tanong
 ang nakiki-chismis

CONGRATS, 100% MOVED ON, HINDI NA BITTER

Eh bale 18th birthday kasi nung barkada ko today, so gala sa mall, kumain, sinurpresa namin siya at napaiyak namin siya dahil sa sobrang tuwa. Prom din kasi ng High School department sa school ko today. Eh etong ex-love kong to, tinext ako kaninang umaga kung nasa school ba daw ako mamaya at kung manunuod ng prom, school mates kasi kami dati, and siguro, wala na lang talaga sa kanya lahat kaya siya napatext ng wala sa oras. Nagreply naman ako. Sabi ko, hindi ako sure. 

Mga 7:30PM na kami nagbyahe from the mall pabalik ng school para makapanuod ng prom. Hindi ko na tinext ulit, kasi nawala na sa isip ko sa sobrang saya kasama ng mga barkada ko. Nagshortcut kami para makadating agad at para makakuha ng magandang parking lot. Tapos ayun, bigla biglang nagkasalubong yung sinasakyan namin at sasakyan nila. Kitang kita ko yung plate number eh, ang kitid kasi ng shortcut, kaya nagbigayan pa kami ng daan. Bumusina yung kuya niya na nagdadrive kasi nasa backseat siya. Tapos ayun, nakita ko siya, binaba ko yung bintana ng sasakyan kasi tinted yung window, para at least, hindi naman ako matawag na snob. Nakita din niya ako, ngumiti sa akin, ngumiti din naman ako pabalik. 

Wala akong naramdaman. Dati dati kasi, kapag ganun, yung puso ko, parang lalabas sa dibdib ko eh. Yung kabang nararamdaman ko dati kapag malapit siya sa akin at kapag biglaan kaming magkikita, wala na. Nasaktan ako ng sobra dun. Hindi ko naman pinilit yung sarili ko naka-move on, basta ang alam ko, bigla na lang dumating sa akin na wala na talaga. Noon, gabi gabi akong umiiyak. Sobrang na-depress ako. Bakit? Kasi, ginawa ko siyang mundo ko at wala akong tinira sa sarili ko.

Minsan, hindi naman talaga kailangang pilitin yung sarili mo para makamove on ka. Dadating din sayo yung thought na “Ah. Wala na. Masaya na ako ulit ako kahit wala ka. Kaya ko naman pala eh. Kaya ko.”

Basta ngayon, alam ko naman sa sarili ko na masaya na ulit ako. Mahirap talaga sa una. Pero never ko naman talagang pinagsisihan na minahal ko yung taong yun ng higit pa sobra kasi dahil sa kanya, naramdaman ko rin yung feeling na maging masaya, yung feeling ng pinapahalagahan. Hindi na awkward sa akin kung makasalubong ko man siya ulit somewhere o kung magkita man kami ulit dahil ang dami naming common friends. Walang alinlangan akong maghehello sa kanya ng nakangiti. Walang awkward feeling. Kalimutan na yung mga masasakit na nangyari.

Basta. Masaya ako sa nagpapasaya sa akin ngayon. 

Notes

  1. angelinefayeee said: congrats ate! buti ka pa T_T
  2. naiwan posted this
Horchata theme by Margarette Bacani. Made for and powered by Tumblr.