Mariz | Filipina | Pampanga | Hindi ako seksi, mataba in short | Disiotso | Maraming beses ng naiwan, hindi takot magmahal pero takot na muling masaktan | Ikatlo at huling hahawak ng blog na to |
Personal posts NAMIN
Typos
Thoughts
Tanong
ang nakiki-chismis
Tweet to @rizlusung
Matindi akong magselos. Pero ang hirap kapag selos na selos ka na tapos wala ka namang karapatan. Hindi kayo, hindi ka rin sure kung may feelings ba siya sayo, unpredictable. Hirap eh. Kapag ganun yung nararamdaman ko, nananahimik lang ako, kinikimkim ko lang yung sakit sa loob ko. Iiyak minsan, kakain ng kakain pag depressed. Oo naman, may karapatan akong masaktan at magselos, mahal ko yung tao. Pero wala akong karapatang magalit at magreklamo. Pinili ko ‘to eh.
Ang hirap ng walang karapatan. Ang hirap kapag gustong gusto mong sabihin sa isang tao na, “Sana, sa akin ka na lang. Sana tayo na lang. Sana pwede tayo.” pero hindi mo magawa. Ang hirap mabuhay sa isang bagay na walang kasiguraduhan. Pero kahit mahirap, tuloy-tuloy lang, mahal kita eh.
Sabi nga ni John Lloyd sa Unofficially Yours, “Sa bawat isang pinipili, may isang libo kang tinatanggihan. Pero higit ka pa sa isang libong bagay na pwedeng tanggihan ng isang taong tulad ko.”
Hi. Mahal kita. At ikaw yung dahilan kung bakit kinakaya ko lahat ng to. Minsan, malungkot ako dahil sa kinalalagyan kong sitwasyon. Hindi ko kasi alam kung ano na bang lagay ko diyan sa buhay at puso mo. Pero kahit ganun, ikaw lang naman yung dahilan kung bakit masaya ako.
Mahal kita. Mahal na mahal.