Ready to fall in love again.
About Ask Archives RSS Search


Mariz | Filipina | Pampanga | Hindi ako seksi, mataba in short | Disiotso | Maraming beses ng naiwan, hindi takot magmahal pero takot na muling masaktan | Ikatlo at huling hahawak ng blog na to |
Personal posts NAMIN
Typos
Thoughts
Tanong
 ang nakiki-chismis

Hindi ko alam yung pakiramdam ng kumanta sa harapan ng madaming madaming tao. Kumakanta naman ako ng may nanunuod, pero sa Thursday, hindi ko alam kung gaano karami yung nandun. Excited ako na natatakot. Kami lang kasi yung band na magfofront sa back to back concert ng Jamich at ni Sam Concepcion. Alam ko na may mga taong nag-eexpect sa amin, na maganda yung kakalabasan ng mga songs na kakantahin namin. Handa naman kami ng band ko, nakapagpractice naman ng maayos at magpapractice pa. Kaya lang, baka pangunahan ako ng kaba dun. Baka makita ko lang yung taong mahal ko sa crowd, kabahan ako at hindi na ako makakanta ng maayos. Charot. Hahaha. Duh. Kailangan ko siyang makita dun, inspiration. HAHAHAHA.

Ah ewan. Basta, Monday pa lang ngayon, ramdam ko na yung kaba. Sampu yung kakantahin namin, sana talaga, hindi ako mamalat dun. 

Magandang umaga mga kaibigan. :)

Notes

  1. thirtysecondsurfer said: Wow! God bless sa gagawin niyo! :-)
  2. naiwan posted this
Horchata theme by Margarette Bacani. Made for and powered by Tumblr.