Mariz | Filipina | Pampanga | Hindi ako seksi, mataba in short | Disiotso | Maraming beses ng naiwan, hindi takot magmahal pero takot na muling masaktan | Ikatlo at huling hahawak ng blog na to |
Personal posts NAMIN
Typos
Thoughts
Tanong
ang nakiki-chismis
Tweet to @rizlusung
2/23/12
Jamich and Sam Concepcion Back to Back Concert
Medyo na-bad vibes kami ng banda ko kahapon kasi hindi namin natapos yung line up namin. Agad kasing dumating yung Jamich. Tapos medyo na-offend kami kasi kumakanta kami ng Breakeven, then biglang nagsalita yung host para magplug, hindi muna kami pinatapos. After sumayaw ng Jamich, siguro, kulang kulang 45 minutes na nag-antay yung mga tao kasi wala pa si Sam Concepcion. Then tinatawag kami sa stage para kumanta ulit. Hindi kami umakyat kasi sobrang nainis kami. Kahit na sumisigaw daw ng “More! More!” yung mga nasa harapan, nawalan pa din kami ng gana. Yung mga hindi namin nakantang The Script songs, bukas namin kakantahin.
Pero okay na din. After ng concert, medyo bumuhos yung magagandang feed back, ang galing daw ng line up namin, ang gwapo daw ng mga gitarista at siyempre, nakakaflatter na masabihan na ang ganda ng boses ko. Daw.
Tapos, tumambay kami sa 7eleven pagkatapos ng concert. Nandun yung crush ko. Ang bait niya, super. Tapos kinausap ako, akala ko talaga hindi niya ako kilala. Sabi niya.. “Ang galing mo kanina, ang ganda ng boses mo.” Sabi ko sa utak ko, “@!*#&!@)#(*&@! anong sasabihin ko? Mamamatay na ko.” Bandang huli, “HAHA. Thanks.” at ngiti lang yung nasagot ko.
Wala pa yung ibang photos. Tamad ako magupload. Taba ko eh!